Pages

Thursday, January 7, 2010

Palaboy


Lahat tayo ay palaboy dito sa mundo. Isang manlalakbay pagala gala... Kung minsan literal na palaboy. Yon bang wala tayong magawa dahil "bored" sa ating pang araw araw na buhay. Kaya minsan napapagawi tayo sa park, shopping malls, sinehan, fast food, atbp. Lalo na tuwing Sabado, Linggo at bakasyon iniisip natin kung saan tayo gagala.

Pero itong aking paksa ay di lang sa literal na salitang palaboy. Di ba may kanya kanyang misyon o dahilan kung bakit tayo patuloy na namumuhay sa mundo? Meron din naman mga tao na di alam kung saan tutungo. Un mga naliligaw sa paglalakbay. Maaaring dahil sa hindi nya alam ang kanyang tunay na mithi sa buhay.

Importante sa paglalakbay un meron tayo gabay o "road map" para di tayo maliligaw ng landas. Itong gabay na ito ay tinatawag na "goal/purpose/plano". Kelangan natin ng konkretong kasagutan dito. Dapat maisip din natin na ang ating mithiin o un goal na tinatawag ay di lang para sa ngayon or bukas kundi para sa kinabukasan. Di dapat tayo magplano or mag isip ng ating minsan na para lang sa kinabukasan o un tinatawag na short goal. Kasi mabibitin tayo dun. At dun tayo maliligaw kc di natin alam ang kasunod na gagawin.

Ang mahalagang tanong: "Ano ba ang gusto kong mangyari sa buhay ko kapag nasa edad 50 na ako? Ano ang gusto ko mangyari sa buhay ko kapag nag asawa na ako? Ano ang gusto ko mangyari sa buhay ko kapag tumanda na ako? Kadalasang tanong sa job interview ay "how do you see yourself, 5 or 10 years from now?" Importante ang goal setting. Ano ba purpose or misyon natin sa buhay?


Hindi lang buhay natin ang naliligaw kung minsan pati ang ating isip at damdamin. Mga oras na tayo ay nawawala sa ating mga sarili. At bigla nating natanong sa sarili natin ang mga ito:

Sino nga ba ako?
Ako nga ba ito?
Bakit ko ba ginawa ang bagay na un?
Mali nga ba ako? Mali ba un desisyon ko?
Ano nga ba problema ko?
Bakit nga ba ako andito?
Ano nga pala gagawin ko?
Bakit ko ba hawak ang bagay na ito?
Sino nga ba may kasalanan? Ako ba or sya?
Paano ko nga nagawa un?
Ano nga ulet sinabi ko?
Ano nga ba sasabihin ko?
Mahal ko nga ba sya?
Bakit ko ba sya minahal?
Paano ko minahal ang gaya nya?

...at marami pang iba. Di lang nman ang pisikal na katawan natin ang gumagala o palaboy. Pati na rin ang ating kaluluwa. Ang ating mga damdamin at isip. Kung minsan di yan magkakatugma kaya nalilito tayo, naliligaw o di kaya naman nagsisisi sa bandang huli. Bakit nga ba ang pagsisisi ay laging sa huli, hindi sa una?

Sabi ng puso ay mahalin sya pero kumokontra ang isip. Pero dahil makulit ang puso, sinunod na mahalin sya, di nakinig sa isip. Nagtampo ang isip at naglakbay kung saan saan, hinayaan ang makulit na puso. Isang araw, nasaktan ang puso at umiyak. Nagsalita ang isip, "Yan kase ang kulet mo! Sinabi ko na sayo wag sya ang mahalin mo dahil sasaktan ka lang nya. Lam mo na kasing gwapo at habulin ng mga babae, nakihabol ka rin... Naramdaman mo na di sya seryoso sayo pero pinagpilitan mo pa rin sarili mo!" Ngunit sabi ng puso, "Eh ano magagawa ko? Mahal ko sya tlga... "

Ano nga ba magagawa ng puso? kundi ang magmahal lang. Ngunit kung iisipin natin, tayo bilang tao ay BUO. Hindi tayo ginawa para lang magmahal o para mag isip lang kundi para gamitin ang dalawang bagay na ito: ISIP AT PUSO. Bakit ko inuna ang isip? samantalang sa kanta or tula lagi nauuna ang puso. Simple lang. Dahil ginawa ng Diyos ang isip sa ibabaw ng ating puso para gabayan natin ang puso.

Meron naman mga tao ginagamit lang ang isip sa lahat ng bagay. Hindi ito maganda. Hindi tayo tao kung puro na lang isip ang gagawin natin. Maswerte tayo sa lahat ng nilalang ng Diyos dahil tayo ay may isip at puso o puso at isip. Isip na nkakapagdesisyon. Tayo ang pinakamataas na uri ng hayop sa mundo dahil kaya natin magbigay ng rason, mamili kung ano ang nais at kelangan natin.

Tayo ay may isip, puso, at kaluluwang palaboy. Kung kaya dapat lang na magkaroon tayo ng ispiritwal na gabay para maitama natin ang landas na ating tatahakin at tamang desisyon sa ating buhay. Upang maging mabuhay na ganap na masaya, mapayapa at panatag ang isip at kalooban. Ang isip, puso, kaluluwa, katawan at konsensya ay dapat na sumang ayon sa atin mithiin o plano sa buhay, sa pamamagitan ng gabay ng ating mapagmahal at mapagpatawad na Diyos.

Mga bagay na dapat gawin:

1. Magdasal araw araw at humingi ng gabay sa lahat ng bagay at plano na gagawin.

2. Makinig sa payo ng magulang, nkakatanda, may mga sapat na karanasan sa buhay.

3. Makipagkapwa tao dahil sa pakikipagkaibigan, marami ka matututunan. Piliin lamang ang mabuting gawi at itapon ang masama.

4. Magbasa ng mga libro, magazine tungkol sa bagay na may kinalaman sa iyong plano o mithi sa buhay. Pwede din magresearch sa internet ng mga success stories un nkaka inspire at nkaka uplift ng spirit

5. Magkaroon ng pagmamahal at pagpapahalaga sa ating sarili, self motivation ay importante, isipin natin na kaya natin ang ating mga plano at kaya natin lampasan ang lahat ng problemang darating. Think positive.

6. Maglaan ng mga bagay na kapakipakinabang. Wag mag aksaya ng mga bagay na pagkakagastusan lang o di kaya magsasayang ng oras. Isipin natin na ang oras ay mahalaga upang sayangin lang sa walang kwentang bagay gaya ng tsismis at inggit.

7. Tumulong kung kinakailangan. Di naman ibig sabihin, magpautang tayo sa kaibigan o mamigay ng mga mamahalin bagay. Ang pagtulong ay di naman kinakailangan materyal. Maglaan ng oras para makinig sa isang kaibigang may problema o nangangailangan ng kausap at tagapayo, pwede din gumawa ng mabuting bagay sa kapwa. Kung may mga ideas ako at alam kong kelangan ng kaibigan ko o kahit di ko kilala, binabahagi ko ang mga ito. Isang bagay na pagtulong un. At wag tayo maghangad ng kapalit. Sa di inaasahan, malay natin... isa pla sa mga natulungan natin ang makaisip na tumulong para maabot natin ang ating mithi or plano.

8. Alalahanin natin na ang kaya lang natin mabago ay ang ating SARILI at hindi ang ibang tao. Kung nais natin ang pagbabago, dapat umpisahan natin sa ating sarili ang pagbabagong nais natin makita sa ating kapwa.

9. Wag mahalin ang pera dahil madali itong maubos at hindi (DAPAT) sa pera umiikot ang ating mundo. Oo nga ang pera ay mahalaga, kung wala ito di tayo makakagalaw o posible tayong mamatay sa gutom. Pero ang sinasabi ko lang ay wag nating "mahalin" o gawin "Diyos" ang pera. May mga tao kasi na bumibili ng dangal, ng kapwa nila, respeto, pagmamahal at iba pa. Kung ang paniniwala natin eh kaya natin mabili ang lahat ng bagay sa mundo... nagkakamali tayo. Malamang hindi tayo TAO. Sino ba gumagawa ng ganito? di ba si Satanas? nkikipag bargain sya kapalit ang kaluluwa natin...

10. Maiksi lang ang ating buhay kaya dapat nating pahalagahan, di natin alam kung kelan tayo mamatay. Dapat nating i-enjoy ang mga bagay na meron tayo, pasalamat na kumpleto ang ating katawan at walang sakit, meron trabaho, may masayang pamilya. Isipin na lang natin un mga taong nasa kalye na wala na ngang maayos na bahay, wala pang makain. Nakadepende lang sa limos ng mga taong nagdadaan. Maiksi lang ang buhay... dapat alagaan natin ang ating sarili, iwasan ang mga bawal na pagkain at bisyo.

11. Mamuhay ng simple at payapa. Meron akong mga kilala na di naman mayaman pero masaya ang pamilya nila dahil punong puno ng pagmamahal ang bawat isa. Kung iisipin mo napakasimple lang ng buhay nila kumakain ng sardinas at noodles pero mga nakangiti at masaya. Akala mo kumakain sa Jollibee or Mc Donalds. Wala silang mamahaling mga gamit pero bakas sa mukha nila na masaya silang pamilya dahil sama sama at walang sakit.

12. Timbangin ang mga sitwasyon at mag analisa, isipin kung ang apat na bagay bago mag desisyon: a.) Totoo o makatotohanan at tama ba ang gagawin mo? b.) may masasaktan, maaapektuhan, madadamay ba sa desisyon mo? c.) makatarungan o patas lang ba kung gagawin ko? d.) maka Diyos at makatao ba ang gagawin ko

Ilan lamang yan sa aking mga obserbasyon, mga natutunan at mahahalagang aral sa aking masalimuot ngunit masayang paglalakbay. Minsan din akong naging palaboy. Naligaw man ng landas minsan, ngunit ngayon nakangiti dahil alam ko na kung paano makarating sa aking paroroonan.

No comments:

Post a Comment