Pages

Thursday, January 14, 2010

Masamang Dulot Ng Internet Sa Panahon Ngayon



Sa modernong panahon ngayon hindi na imposible ang matuto at magkaroon ng mabilis na kaalaman sa ngalan ng teknolohiya na ngayon ay sikat lalo na sa mga kabataan... INTERNET!!! Kung noon hirap at boring magbasa ng libro dahil sa kapal ng encyclopedia (may ilang volume din un..). Sa ngayon, madali na lang, sisiw kumbaga!

Dati rati, ang mga tao gagamit lang ng internet upang magsaliksik, makipagugnayan sa pamamagitan ng email, mag aral, at matuto. Ngayon, pwede na tayo manood, makipagchikahan at.... makipagdate???! Pwede na pala un ngayon, ano? Posible. Bakit hindi? Un na ang sikat sa panahon ngayon. Mas nagiging mapusok na din ang mga kabataan sa paggamit ng internet hindi lang pag-aaral nga minsan ang sinasaliksik kundi mga hubad na larawan, bastos na mga babasahin at mga video na malalaswa
(pornography).

Marami ang gumagamit ng internet sa buong mundo at kadalasan ay inaabuso ang paggamit nito. May mga tao na nanloloko gamit ang internet, nagpapasa ng "virus" sa mga taong bumibisita sa mga site nila o di kaya nman sila mismo ang nagsasadya sa mga site para maghasik ng lagim. May mga "hackers" na susulat sayo na kunyari ay magpa2dala ng sulat gamit ang pangalan ng site na nagsasabing kelangan mo mag update ng impormasyon tapos kapag ginawa mo na magugulat ka na lang at lahat ng email address sa account mo ay napadalhan na ng sulat na nanghihingi ng pera at ang masaklap pa nito ay gamit ang pangalan mo, ang iyong pinakamamahal na email address na sisira sa pagkatao mo kung di mo maaayos ang problema sa iyong account. Iisipin ng mga tao na napadalhan ng sulat ay manloloko ka, dahil di nila alam ang totoong nangyari na na "hacked" ang account mo. Nangyari na sa akin ito, palibhasa walang muwang sa internet kaya naloko. Binago ko ang password ko at sumulat sa lahat na ako ay naloko at wag paniwalaan ang mga nasulat gamit ang pangalan ko. Pasalamat na lang ako, naniwala at may tiwala sila sa akin na di ako ang may gawa ng scam na un, muntik sila maniwala at nais sana nila tumulong magbigay ng pera. Mabuti at naagapan ko at di sila naloko.

Meron naman mga tao, mapababae o lalaki na gamit ang internet sa panghihingi ng pera o di kaya pang uuto upang sila ay mabigyan ng pera at mga mamahaling bagay. Nakakalungkot lang isipin na kabilang ang mga Pilipino, partikular ang mga Pinay menor de edad pataas ang nanloloko sa internet upang sila ay mabigyan ng pera. At kadalasan biktima ay mga may edad na dayuhan. Hindi naman nakapagtataka na magalit at maiinis ang mga ito sa mga Pilipino. Ang tingin nila sa "lahat" partikular ang mga Pinay eh mga mukhang pera (gold digger), makakapal ang mukha manghingi ng pera, mga hostess at wala pinag aralan, mababang uri ng babae na mura lang bilhin, walang class at di dapat igalang at iba pang mga negatibong mga salita na maririnig mo sa kanila. Nakakalungkot isipin dahil kahit un mga may pinag-aralan at matinong Pinay ay nadadamay dahil sa kabulastugan ng mga babaeng gumagawa nito. Ang masasabi ko lang, matatalino na ang mga dayuhan kaya di na eepekto ang mga buladas at panloloko ng mga ilan babae dyan na walang magawa kundi manghuthot ng pera gamit ang yahoo chat, MSN messenger, skype at kung anu ano pang chat site dyan. Ang totoo pinakikiramdaman lang nila ang mga tinamaan ng magaling na Pinay kung ano style nila sa panloloko, ang di nila alam ay pinagtatawanan lang sila at pinapasakay din na kunyari naniniwala ang mga ito sa sinasabi. Kung noon, madali makapang uto ng mga dayuhan sa ngayon ay hindi na dahil natuto na sila.



Alam nyo ba na ang pagbebenta ng laman ay nangyayari na din sa internet? Grabe na talaga ang panahon ngayon mas nakakatakot. Ang bentahan ng laman ay di lang pang lokal, ito ay pang international na din. Kung mapapansin nyo sa mga website kadalasan un mga nagbebenta ng laman ay may mga larawan or video na tila ba nang-aakit sa mga makakakita. Di titigil ang mga mapupusok na kabataan hangga't di nila nagagawa ang "kalokohan" sa personal kaya makikipagkita sila sa mga kunyari "kaibigan" or kachat. May mga kachat ang mga kabataang ito at kapag nakapagpalagayan na ng loob ay mag uusap na sila sa webcam. Mga lalaki o minsan babae din magpapakita ng kanilang katawan sa webcam. Ang mapupusok na kabataan magkikita at gagawa ng milagro. Kaya naman madami ang nabubuntis, nagkakasakit, di nakakatapos ng pag-aaral dahil sa kakachat.



Gabayan po natin ang ating mga kabataan upang di sila maligaw ng landas. Maaari silang magkaAIDS kung di sila mag iingat. Kilalanin natin mabuti ang mga kaibigan ng ating anak, alamin ang mga kausap sa telepono at lalo na sa internet. Kung kinakailangan lagyan ng "restriction" or control ang mga site na pinupuntahan ng ating mga anak, nang sa gayon ay maiwas natin sila sa pornograpiya. Wag po natin lagyan ng webcam or iiwas po sila sa paggamit ng webcam upang di nila ito makasanayan gamitin. Lagyan ng curfew or schedule ang paggamit ng internet sa ating bahay, wag po tayo pumayag na sa kanilang kwarto ilagay ang internet upang di nila ito magamit kung tayo ay himbing na natutulog. Ilagay po sa isang kwarto o computer room ang personal or laptop na computer at seguruhin lang na ang magulang lamang ang may kopya ng susi. I-monitor ang paggamit ng computer upang makaseguro na ang internet ay laan lamang sa pananaliksik at pag aaral, hindi sa mga kalokohan. At higit sa lahat, magkaroon ng bukas na komunikasyon sa inyong mga anak upang di sila maglihim sa inyo.

3 comments:

  1. Not all. Because some of the unemployed pinoy don't earn something because they were unhappy of being tambay and doesn't have money...

    ReplyDelete
  2. Not all. Because some of the unemployed pinoy don't earn something because they were unhappy of being tambay and doesn't have money...

    ReplyDelete