Pages

Friday, January 22, 2010

User Friendly Ka Ba?



Sa pakikipagkaibigan meron tayong mga kanya kanyang intensyon, dalawang bagay lang yan eh...GOOD ba? or BAD intensyon? Ang tunay na kaibigan ay isang kayamanan. Maituturing mo ang iyong sarili na milyonaryo kung madami kang tunay na kaibigan dahil mahirap makatagpo ng "TUNAY" sa salitang tunay na kaibigan... Para bang true love mahirap din hanapin at makatagpo ng mga "maaayos" na tao sa panahon ngayon. Ibig kong sbhin ng maayos eh un bang di ka dadalhin sa magulo o di kaya ay maglalayo sayo sa kapahamakan.

Meron kasi mga tao na nakikipagkaibigan lang kapag may kelangan sayo kapag wala "tae" ka sa kanila di ka kabilang sa kanilang samahan. Meron mga tao na nakikipagkaibigan lang sa mga taong mayaman o madami pera, sa paniniwalang sa oras ng kagipitan ay makakalapit sya dito. Di ko naman sinasabi na masama humingi ng tulong sa kaibigan, ang sinasabi ko lang ay un mga tao ba na walang pakundangan mang "uto" ng kapwa nila para lang mapagbigyan sila lagi at masunod ang kanilang gusto. Sa pagkakaunawa ko sa kaibigan ay "give and take" dapat parang magnobyo, parang daan meron two way street di ba? Sa kahit anong relasyon naman dapat give and take, hindi un para kang engot give ng give un isa namang abusado mong kaibigan kuno ang take ng take. Dapat pareho kayong makikinabang sa bawat isa.

At ang pagkakaibigan ay di lamang sa usaping pera nakalimit ito... NAPAKABABAW at NAPAKASAKIM naman kung "PERA-PERA" lang pala ang basehan ng pagkakaibigan. Marami akong kilala na ganyan, kapag walang mahihita o pakinabang lalo na sa materyal na bagay ay di ka na papansinin, dedma ka na sa friendster, facebook, twitter, yahoo messenger, atbp. Kapag wala natanggap na regalo sayo nun birthday nya, pasko at bagong taon "tae" ka sa kanya sorry ka na lang busy busy-han ang drama nya at wala sya panahon sayo. Pero kung yayain mo sya na lilibre mo sya kumain sa labas at sine... nakupoh! mabilis pa sya sa alas kwatro anjan na agad sa tabi mo. Ano pa nga ba? LIBRE eh?!

May kilala din ako kapal ng mukha tinawag pa akong kaibigan... kung ano ano ang sinusulat na post message sa friendster account ko... "hello musta na mare? talagang umaasenso ka na jan ah.. nakalimot ka na ata? kapag may makita ka work jan tulungan mo naman ako makapasok.." achuchu kung ano ano pa. Ok lang sana kaso para bang lumalabas na may responsibilidad ako sa kanya na i-ahon sya sa kahirapan dahil sa kaibigan ko sya??? Mangungunsensya pa yan na kesyo di na ako marunong lumingon sa pinanggalingan ko. Samantalang panay naman ang sagot ko sa mga email nya sa akin. Ang gusto lang nya ay tulungan ko sya mag abroad. Di ba nya naisip na kaibigan lang sya at meron pa akong mga kapatid at kamag anak na mas nangangailangan ng tulong kesa sa kanya? Di naman kami mayaman eh.

Di ko matulungan ang mga kapatid ko makapunta dito para magtrabaho dahil alam ko na mahihirapan sila gaya ko. Kung ako sa bahay lamang at nahirapan maghanap ng trabaho dito sa Thailand. Unang una sa lahat iba ang salita dito, hindi ito gaya ng Amerika, Canada, Australia o London na halos lahat ng tao eh marunong mag english. Ang salita dito ay Thai na mahirap maunawaan. Maging ako nahihirapan at kelangan ko pa mag aral ng isang taon para lang maunawaan ko ang salita nila. Syempre kung magtatrabaho ka dito dapat lang na alam mo din magsalita ng salita nila kahit paano, kasi ang mga makakatrabaho o bosing mo ay Thai, karamihan sa kanila ay malabo kung magsalita ng english di gaya ng Pinoy na neutral accent o carabao english man eh naiintindihan pa din. Ikalawa, karamihan ng trabaho dito ay halos teacher, tutor, engineer, architect o un mga college graduate ang tinatanggap na magaling mag english. Meron man trabaho gaya ng "nanny"$ o katulong, bihira mo eto mababalitaan kase maging sila dito ay ingat na ingat magtiwala sa katulong. Syempre, mas gusto na nila un nakakaintindi ng Thai di ba? pano ka naman makakapagtrabaho kung di sila makasalita ng ingles? Higit sa lahat mahirap magwork dito lalo na kung wala ka work permit gaya ng katulong at mga teacher dito na di naman talaga naka graduate ng teacher dahil tuwing makalipas ang dalawang buwan ay lagi ka magtatravel para ma extend ang visa mo. In short, magastos at risky.

Dapat natin ilagay sa lugar ang ating sarili bilang isang kaibigan. At wag natin i-atang ang responsibilidad natin sa ating sarili at pamilya sa ating mga kaibigan... Wag natin sisihin sa ating kaibigan kung di tayo matutulungan sa kung ano man kadahilanan, dahil tayo bilang tao, ay may kanya kanyang responsibilidad sa ating sarili at sa ating pamilya. Ang kaibigan ay tutulong lamang kung kaya nya at kung gusto nya. Kung ayaw... aba, wag natin pipilitin baka magkasumbatan pa nyan kalaunan. O baka mas mahirap ang pinagdadanan nya kesa sayo.

At kung iisipin mo nga, kung ako nga na ang aking mga kamag anak sa motherside at fatherside, un mga tyahin/tyuhin at pinsan ko na halos lahat sila nakapag abroad o immigrant na doon ay nahiya pa ako humingi ng tulong para ako makapunta sa ibang bansa. Bakit ako mahihiya eh kamag anak ko sila di ba? un cguro malamang iisipin ninyo. Ang aking inisip ay... kung kaya nila at gusto nila tumulong sa kamag anak nila, hindi mo na kailangan pang sabihin ito sa kanila lalo na kung alam naman nila ang kalagayan ng buhay mo. Siguro naman di kanila matitiis dahil kadugo mo sila, palibhasa nga meron din naman tayo sariling mga problema, inisip ko na rin na baka may problema sila kung tutulong pa sila ng kamag anak. Di naman kasi madali ang buhay sa abroad eh. Akala lang ng madami masarap at magaan... di nila alam mahirap.. Un iba madami pa utang or malaki pa ang gastos kesa sa sweldo nila. Mukha lang maganda pakinggan nasa "abroad". Ang ugali ko ayoko umasa ng tulong sa kahit na sino pagdating sa buhay ko; sa pagdedesisyon sa aking kapalaran at buhay... dahil kung meron man may responsibilidad sa aking buhay, sarili at pamilya ko ay wala ng iba un kundi AKO! Nakapunta man ako ng ibang bansa, di ako umutang or humingi man lang ng tulong sa kaibigan at lalo na sa kamag anak para sa pamasahe at pocket money, kung anu-ano pa. Dahil nahihiya ako, nirerespeto ko sila at lalo na maging ang sarili ko. Inisip ko may kanya kanya tayong pasanin na problema sa buhay. Kung tutulong sila di ko na kelangan pa sabihin ito sa kanila, kusa nila ito gagawin at sasabihin sa akin.

Sana lahat tayo makaisip ng ganon "common sense" ba. Wag na lang tayo basta magagalit na di tayo natulungan, meron mabigat na dahilan kung bakit di tayo matulungan ng ating mga kaaibigan lalo na sa mga ganyang klaseng bagay (tulong makapag abroad/imbitasyon, padala ng pera/regalo atbp. mga tulong materyal)

Di ka lang mapautang ay magagalit ka na? Di natin alam baka mas grabe pa ang problema nya kesa sa atin di ba? O di kaya naman, napa utang ka na nga di mo naman mabayaran, tapos sisingilin ka na ng kaibigan mo (aba.. syempre naman! ano un tenk u?) eh magagalit ka pa... Helo? tinulungan ka na nga nun tao eh tapos mang aaway ka pa dahil napapahiya ka dahil di mo mabayaran un utang mo? Kaya naman, kung ako ang kaibigan, magdadalawang isip ako magpautang kase naman lumang tugtugin na yan "utang kalimutan" na yan porke ba magkaibigan kayo eh "quits" na lang un, asan ang respeto mo sa sarili mo? Ang cheap pala ng "value of friendship" ninyo. So dun na lang magwawakas un kase di ka makabayad at siningil ka... napahiya ka kasi di ka makatupad sa pangako mo magbayad so ano gagawin mo mandededma ka na? kase nasaktan un pride mo. May pambayad ka naman kaso napahiya ka na eh, sa isip mo siguro... bakit kase di sya makatulog sa halagang inutang ko sa kanya, parang di naman sya kaibigan. O di kaya wala naman kwenta yan kaibigan ko na yan, di man lang makatulong, sana man lang di na nya pabayaran sa akin un inutang ko, naknampucha bespren ko pa naman kumare ko pa. Wala syang kwentang kaibigan, wala pakinabang... tama ba naman un? Wala rin naman masama kung magpapautang tayo or mangungutang sa kaibigan basta lang ba kaya natin bayaran di ba? Kaso di ba parang nakakahiya kung palagi na lang tayo lapit ng lapit sa ating kaibigan para lang umutang? nakakababa ng pagkatao... kahit ba nagbabayad naman tayo eh para bang un "utang na loob" eh di nababayaran.

Gaya nun isang kilala ko, malaki naman kung tutuusin sweldo nya kapareho lang halos ng aking kilala na kanyang inuutangan. Un naman pala di sya marunong mag manage ng pera at kunsumisyon nga kase kahit oras na alanganin eh mangungutang.. un bang tulog ka na tatawag at magtetext na pautang porke alam nya na mabilis ka magpautang or di ka makatanggi. Di pa un ang masama eh.. kakautang lang nya last week, sa susunod na week eh uutang ulet, di pa nga bayad un unang utang. haaaayyyysss....! KAPAL NG MUKHA! mejo pahirapan pa singilan dyan ha.. Bakit kaya may mga tao na umutang na nga... wala pa kusa magbayad? di ba sila nahihiya? Meron pa style uutang sa kaibigan tapos pambabayad lang din pala ng utang sa isa pang kaibigan. Hay nako... mag ingat kayo sa mga kaibigan na ganito. Kung gusto ninyo mabawasan ang stress at kunsumisyon sa buhay ninyo.

Tawag sa mga kaibigan na mga eto eh "USER" o manggagamit sa tagalog, linta o isang uri na tinagtawag na "blood suckers". Un bang kapag wala sila mahihita sayo o wala kang pakinabang sa kanila "tae" ka na lang. Kung iisipin mo, sa inyong friendship mas nakikinabang sya sayo kesa sa sya ay may pakinabang syo. Di ba dapat pareho lang kayo may pakinabang sa isat isa? kaya nga "kaibigan" eh... Ang tawag sa mga taong mahilig mag "spoiled" ng mga ganitong mga abusadong kaibigan ay "User Friendly" kase friendly sila sa mga user gaya ng kanilang mga kaibigan. Di ba un mga gamit gaya ng cellphone na Nokia kumpara mo sa ibang cellphone, mas user friendly sya. Ganun din sa pakikipagkaibigan... In other words, uto uto ka ba? nagpapauto ka ba msyado sa mga user na friends mo? Lagi ka concern sa kanila samantalang sila ay di naman concern sayo... Di ka nag eexpect ng gift sa kanila pero sila tigas ng mukha magpaparamdam na naghihitay sila ng regalo mo or libre? Mag isip isip tayo ka kung may ganyan klase kang kaibigan asahan mo sa gipit na sitwasyon.. di sila maaasahan kase ang alam lang nila ay tumanggap at manghingi, wala sa bokabularyo nila ang "magbigay".

Hindi naman in terms of money at materyal lang ang friendship dapat eh. Meron naman tayo kaya ibigay na hindi materyal na bagay. Mas masusukat mo nga ang isang tunay na kaibigan hindi sa materyal na bagay kundi sa mga bagay na di kaya bilihin ng pera. Gaya ng pagbibigay mo ng oras at atensyon sa iyong kaibigan sa panahon na kailangan nya ito, sa mahalang oras na sya ay may problema at kailangan ng tagapakinig, tagapayo at gagabay sa kanya sa kanyang magulong utak at desisyon sa kanyang buhay. Gabay lamang, at hindi makikialam sa sitwasyon. Magbibigay payo lamaang ngunit nasa kanya pa rin ang huling desisyon. May mga oras na kelangan nya ng kasama at kausap upang maghingahan ng kanyang sama ng loob at mga problema. O di naman kaya ay naguguluhan sya at kelangan nya ng mga "options" o di kaya "suggestions" mula sayo. Kelangan nya ng sapat na impormasyon sa mga bagay na wala sya gaanong alam.

Marami pang mga bagay na di matutumbasan ng pera na pwede natin maitulong sa ating mga kaibigan, wag natin palagi silang ipamulat sa mga materyal upang di sila masanay. Hindi masama ang tumulong kung kaya natin at gusto natin, kung di man natin gusto at kaya... may mga kanya kanya tayong dahilan. Ang bawat tao sa mundo ay may sarili at kanya kanyang problema din na dapat asikasuhin. Piliin natin mabuti ang ating mga kaibigan... Di naman masama ang tumulong, lagyan lang natin ng limitasyon kung sa pakiramdam natin na tayo ay naaabuso na.

Thursday, January 14, 2010

Masamang Dulot Ng Internet Sa Panahon Ngayon



Sa modernong panahon ngayon hindi na imposible ang matuto at magkaroon ng mabilis na kaalaman sa ngalan ng teknolohiya na ngayon ay sikat lalo na sa mga kabataan... INTERNET!!! Kung noon hirap at boring magbasa ng libro dahil sa kapal ng encyclopedia (may ilang volume din un..). Sa ngayon, madali na lang, sisiw kumbaga!

Dati rati, ang mga tao gagamit lang ng internet upang magsaliksik, makipagugnayan sa pamamagitan ng email, mag aral, at matuto. Ngayon, pwede na tayo manood, makipagchikahan at.... makipagdate???! Pwede na pala un ngayon, ano? Posible. Bakit hindi? Un na ang sikat sa panahon ngayon. Mas nagiging mapusok na din ang mga kabataan sa paggamit ng internet hindi lang pag-aaral nga minsan ang sinasaliksik kundi mga hubad na larawan, bastos na mga babasahin at mga video na malalaswa
(pornography).

Marami ang gumagamit ng internet sa buong mundo at kadalasan ay inaabuso ang paggamit nito. May mga tao na nanloloko gamit ang internet, nagpapasa ng "virus" sa mga taong bumibisita sa mga site nila o di kaya nman sila mismo ang nagsasadya sa mga site para maghasik ng lagim. May mga "hackers" na susulat sayo na kunyari ay magpa2dala ng sulat gamit ang pangalan ng site na nagsasabing kelangan mo mag update ng impormasyon tapos kapag ginawa mo na magugulat ka na lang at lahat ng email address sa account mo ay napadalhan na ng sulat na nanghihingi ng pera at ang masaklap pa nito ay gamit ang pangalan mo, ang iyong pinakamamahal na email address na sisira sa pagkatao mo kung di mo maaayos ang problema sa iyong account. Iisipin ng mga tao na napadalhan ng sulat ay manloloko ka, dahil di nila alam ang totoong nangyari na na "hacked" ang account mo. Nangyari na sa akin ito, palibhasa walang muwang sa internet kaya naloko. Binago ko ang password ko at sumulat sa lahat na ako ay naloko at wag paniwalaan ang mga nasulat gamit ang pangalan ko. Pasalamat na lang ako, naniwala at may tiwala sila sa akin na di ako ang may gawa ng scam na un, muntik sila maniwala at nais sana nila tumulong magbigay ng pera. Mabuti at naagapan ko at di sila naloko.

Meron naman mga tao, mapababae o lalaki na gamit ang internet sa panghihingi ng pera o di kaya pang uuto upang sila ay mabigyan ng pera at mga mamahaling bagay. Nakakalungkot lang isipin na kabilang ang mga Pilipino, partikular ang mga Pinay menor de edad pataas ang nanloloko sa internet upang sila ay mabigyan ng pera. At kadalasan biktima ay mga may edad na dayuhan. Hindi naman nakapagtataka na magalit at maiinis ang mga ito sa mga Pilipino. Ang tingin nila sa "lahat" partikular ang mga Pinay eh mga mukhang pera (gold digger), makakapal ang mukha manghingi ng pera, mga hostess at wala pinag aralan, mababang uri ng babae na mura lang bilhin, walang class at di dapat igalang at iba pang mga negatibong mga salita na maririnig mo sa kanila. Nakakalungkot isipin dahil kahit un mga may pinag-aralan at matinong Pinay ay nadadamay dahil sa kabulastugan ng mga babaeng gumagawa nito. Ang masasabi ko lang, matatalino na ang mga dayuhan kaya di na eepekto ang mga buladas at panloloko ng mga ilan babae dyan na walang magawa kundi manghuthot ng pera gamit ang yahoo chat, MSN messenger, skype at kung anu ano pang chat site dyan. Ang totoo pinakikiramdaman lang nila ang mga tinamaan ng magaling na Pinay kung ano style nila sa panloloko, ang di nila alam ay pinagtatawanan lang sila at pinapasakay din na kunyari naniniwala ang mga ito sa sinasabi. Kung noon, madali makapang uto ng mga dayuhan sa ngayon ay hindi na dahil natuto na sila.



Alam nyo ba na ang pagbebenta ng laman ay nangyayari na din sa internet? Grabe na talaga ang panahon ngayon mas nakakatakot. Ang bentahan ng laman ay di lang pang lokal, ito ay pang international na din. Kung mapapansin nyo sa mga website kadalasan un mga nagbebenta ng laman ay may mga larawan or video na tila ba nang-aakit sa mga makakakita. Di titigil ang mga mapupusok na kabataan hangga't di nila nagagawa ang "kalokohan" sa personal kaya makikipagkita sila sa mga kunyari "kaibigan" or kachat. May mga kachat ang mga kabataang ito at kapag nakapagpalagayan na ng loob ay mag uusap na sila sa webcam. Mga lalaki o minsan babae din magpapakita ng kanilang katawan sa webcam. Ang mapupusok na kabataan magkikita at gagawa ng milagro. Kaya naman madami ang nabubuntis, nagkakasakit, di nakakatapos ng pag-aaral dahil sa kakachat.



Gabayan po natin ang ating mga kabataan upang di sila maligaw ng landas. Maaari silang magkaAIDS kung di sila mag iingat. Kilalanin natin mabuti ang mga kaibigan ng ating anak, alamin ang mga kausap sa telepono at lalo na sa internet. Kung kinakailangan lagyan ng "restriction" or control ang mga site na pinupuntahan ng ating mga anak, nang sa gayon ay maiwas natin sila sa pornograpiya. Wag po natin lagyan ng webcam or iiwas po sila sa paggamit ng webcam upang di nila ito makasanayan gamitin. Lagyan ng curfew or schedule ang paggamit ng internet sa ating bahay, wag po tayo pumayag na sa kanilang kwarto ilagay ang internet upang di nila ito magamit kung tayo ay himbing na natutulog. Ilagay po sa isang kwarto o computer room ang personal or laptop na computer at seguruhin lang na ang magulang lamang ang may kopya ng susi. I-monitor ang paggamit ng computer upang makaseguro na ang internet ay laan lamang sa pananaliksik at pag aaral, hindi sa mga kalokohan. At higit sa lahat, magkaroon ng bukas na komunikasyon sa inyong mga anak upang di sila maglihim sa inyo.

Thursday, January 7, 2010

Palaboy


Lahat tayo ay palaboy dito sa mundo. Isang manlalakbay pagala gala... Kung minsan literal na palaboy. Yon bang wala tayong magawa dahil "bored" sa ating pang araw araw na buhay. Kaya minsan napapagawi tayo sa park, shopping malls, sinehan, fast food, atbp. Lalo na tuwing Sabado, Linggo at bakasyon iniisip natin kung saan tayo gagala.

Pero itong aking paksa ay di lang sa literal na salitang palaboy. Di ba may kanya kanyang misyon o dahilan kung bakit tayo patuloy na namumuhay sa mundo? Meron din naman mga tao na di alam kung saan tutungo. Un mga naliligaw sa paglalakbay. Maaaring dahil sa hindi nya alam ang kanyang tunay na mithi sa buhay.

Importante sa paglalakbay un meron tayo gabay o "road map" para di tayo maliligaw ng landas. Itong gabay na ito ay tinatawag na "goal/purpose/plano". Kelangan natin ng konkretong kasagutan dito. Dapat maisip din natin na ang ating mithiin o un goal na tinatawag ay di lang para sa ngayon or bukas kundi para sa kinabukasan. Di dapat tayo magplano or mag isip ng ating minsan na para lang sa kinabukasan o un tinatawag na short goal. Kasi mabibitin tayo dun. At dun tayo maliligaw kc di natin alam ang kasunod na gagawin.

Ang mahalagang tanong: "Ano ba ang gusto kong mangyari sa buhay ko kapag nasa edad 50 na ako? Ano ang gusto ko mangyari sa buhay ko kapag nag asawa na ako? Ano ang gusto ko mangyari sa buhay ko kapag tumanda na ako? Kadalasang tanong sa job interview ay "how do you see yourself, 5 or 10 years from now?" Importante ang goal setting. Ano ba purpose or misyon natin sa buhay?


Hindi lang buhay natin ang naliligaw kung minsan pati ang ating isip at damdamin. Mga oras na tayo ay nawawala sa ating mga sarili. At bigla nating natanong sa sarili natin ang mga ito:

Sino nga ba ako?
Ako nga ba ito?
Bakit ko ba ginawa ang bagay na un?
Mali nga ba ako? Mali ba un desisyon ko?
Ano nga ba problema ko?
Bakit nga ba ako andito?
Ano nga pala gagawin ko?
Bakit ko ba hawak ang bagay na ito?
Sino nga ba may kasalanan? Ako ba or sya?
Paano ko nga nagawa un?
Ano nga ulet sinabi ko?
Ano nga ba sasabihin ko?
Mahal ko nga ba sya?
Bakit ko ba sya minahal?
Paano ko minahal ang gaya nya?

...at marami pang iba. Di lang nman ang pisikal na katawan natin ang gumagala o palaboy. Pati na rin ang ating kaluluwa. Ang ating mga damdamin at isip. Kung minsan di yan magkakatugma kaya nalilito tayo, naliligaw o di kaya naman nagsisisi sa bandang huli. Bakit nga ba ang pagsisisi ay laging sa huli, hindi sa una?

Sabi ng puso ay mahalin sya pero kumokontra ang isip. Pero dahil makulit ang puso, sinunod na mahalin sya, di nakinig sa isip. Nagtampo ang isip at naglakbay kung saan saan, hinayaan ang makulit na puso. Isang araw, nasaktan ang puso at umiyak. Nagsalita ang isip, "Yan kase ang kulet mo! Sinabi ko na sayo wag sya ang mahalin mo dahil sasaktan ka lang nya. Lam mo na kasing gwapo at habulin ng mga babae, nakihabol ka rin... Naramdaman mo na di sya seryoso sayo pero pinagpilitan mo pa rin sarili mo!" Ngunit sabi ng puso, "Eh ano magagawa ko? Mahal ko sya tlga... "

Ano nga ba magagawa ng puso? kundi ang magmahal lang. Ngunit kung iisipin natin, tayo bilang tao ay BUO. Hindi tayo ginawa para lang magmahal o para mag isip lang kundi para gamitin ang dalawang bagay na ito: ISIP AT PUSO. Bakit ko inuna ang isip? samantalang sa kanta or tula lagi nauuna ang puso. Simple lang. Dahil ginawa ng Diyos ang isip sa ibabaw ng ating puso para gabayan natin ang puso.

Meron naman mga tao ginagamit lang ang isip sa lahat ng bagay. Hindi ito maganda. Hindi tayo tao kung puro na lang isip ang gagawin natin. Maswerte tayo sa lahat ng nilalang ng Diyos dahil tayo ay may isip at puso o puso at isip. Isip na nkakapagdesisyon. Tayo ang pinakamataas na uri ng hayop sa mundo dahil kaya natin magbigay ng rason, mamili kung ano ang nais at kelangan natin.

Tayo ay may isip, puso, at kaluluwang palaboy. Kung kaya dapat lang na magkaroon tayo ng ispiritwal na gabay para maitama natin ang landas na ating tatahakin at tamang desisyon sa ating buhay. Upang maging mabuhay na ganap na masaya, mapayapa at panatag ang isip at kalooban. Ang isip, puso, kaluluwa, katawan at konsensya ay dapat na sumang ayon sa atin mithiin o plano sa buhay, sa pamamagitan ng gabay ng ating mapagmahal at mapagpatawad na Diyos.

Mga bagay na dapat gawin:

1. Magdasal araw araw at humingi ng gabay sa lahat ng bagay at plano na gagawin.

2. Makinig sa payo ng magulang, nkakatanda, may mga sapat na karanasan sa buhay.

3. Makipagkapwa tao dahil sa pakikipagkaibigan, marami ka matututunan. Piliin lamang ang mabuting gawi at itapon ang masama.

4. Magbasa ng mga libro, magazine tungkol sa bagay na may kinalaman sa iyong plano o mithi sa buhay. Pwede din magresearch sa internet ng mga success stories un nkaka inspire at nkaka uplift ng spirit

5. Magkaroon ng pagmamahal at pagpapahalaga sa ating sarili, self motivation ay importante, isipin natin na kaya natin ang ating mga plano at kaya natin lampasan ang lahat ng problemang darating. Think positive.

6. Maglaan ng mga bagay na kapakipakinabang. Wag mag aksaya ng mga bagay na pagkakagastusan lang o di kaya magsasayang ng oras. Isipin natin na ang oras ay mahalaga upang sayangin lang sa walang kwentang bagay gaya ng tsismis at inggit.

7. Tumulong kung kinakailangan. Di naman ibig sabihin, magpautang tayo sa kaibigan o mamigay ng mga mamahalin bagay. Ang pagtulong ay di naman kinakailangan materyal. Maglaan ng oras para makinig sa isang kaibigang may problema o nangangailangan ng kausap at tagapayo, pwede din gumawa ng mabuting bagay sa kapwa. Kung may mga ideas ako at alam kong kelangan ng kaibigan ko o kahit di ko kilala, binabahagi ko ang mga ito. Isang bagay na pagtulong un. At wag tayo maghangad ng kapalit. Sa di inaasahan, malay natin... isa pla sa mga natulungan natin ang makaisip na tumulong para maabot natin ang ating mithi or plano.

8. Alalahanin natin na ang kaya lang natin mabago ay ang ating SARILI at hindi ang ibang tao. Kung nais natin ang pagbabago, dapat umpisahan natin sa ating sarili ang pagbabagong nais natin makita sa ating kapwa.

9. Wag mahalin ang pera dahil madali itong maubos at hindi (DAPAT) sa pera umiikot ang ating mundo. Oo nga ang pera ay mahalaga, kung wala ito di tayo makakagalaw o posible tayong mamatay sa gutom. Pero ang sinasabi ko lang ay wag nating "mahalin" o gawin "Diyos" ang pera. May mga tao kasi na bumibili ng dangal, ng kapwa nila, respeto, pagmamahal at iba pa. Kung ang paniniwala natin eh kaya natin mabili ang lahat ng bagay sa mundo... nagkakamali tayo. Malamang hindi tayo TAO. Sino ba gumagawa ng ganito? di ba si Satanas? nkikipag bargain sya kapalit ang kaluluwa natin...

10. Maiksi lang ang ating buhay kaya dapat nating pahalagahan, di natin alam kung kelan tayo mamatay. Dapat nating i-enjoy ang mga bagay na meron tayo, pasalamat na kumpleto ang ating katawan at walang sakit, meron trabaho, may masayang pamilya. Isipin na lang natin un mga taong nasa kalye na wala na ngang maayos na bahay, wala pang makain. Nakadepende lang sa limos ng mga taong nagdadaan. Maiksi lang ang buhay... dapat alagaan natin ang ating sarili, iwasan ang mga bawal na pagkain at bisyo.

11. Mamuhay ng simple at payapa. Meron akong mga kilala na di naman mayaman pero masaya ang pamilya nila dahil punong puno ng pagmamahal ang bawat isa. Kung iisipin mo napakasimple lang ng buhay nila kumakain ng sardinas at noodles pero mga nakangiti at masaya. Akala mo kumakain sa Jollibee or Mc Donalds. Wala silang mamahaling mga gamit pero bakas sa mukha nila na masaya silang pamilya dahil sama sama at walang sakit.

12. Timbangin ang mga sitwasyon at mag analisa, isipin kung ang apat na bagay bago mag desisyon: a.) Totoo o makatotohanan at tama ba ang gagawin mo? b.) may masasaktan, maaapektuhan, madadamay ba sa desisyon mo? c.) makatarungan o patas lang ba kung gagawin ko? d.) maka Diyos at makatao ba ang gagawin ko

Ilan lamang yan sa aking mga obserbasyon, mga natutunan at mahahalagang aral sa aking masalimuot ngunit masayang paglalakbay. Minsan din akong naging palaboy. Naligaw man ng landas minsan, ngunit ngayon nakangiti dahil alam ko na kung paano makarating sa aking paroroonan.