Nakibalita ako sa isang kaibigan nakatira sa Cagayan de Oro province. Dati siyang nagtatrabaho dito sa Bangkok sa isang ticketing office. Umuwi siya noong March 1, Lunes at makalipas ang dalawang araw, kinumusta ko siya... Dahil sa alam ko na masaya siya kapiling ang kanyang tatlong mga anak sa Pilipinas.
Nakita ko sa Facebook na magbeberdey and kanyang bunsong anak, tinanong ko kung kumusta ang handaan sa kanila. Nagulat ako ng sabihin niya na black out daw sa kanila at matagal na! Kaya postpone muna ang berdey handaan sa kanila. Tsk, tsk, tsk... as in... wala po kuryente.. un bang di makanuod ng TV, di magamit electric fan at nangangapa sa dilim? oo un nga! Maryosep... un agad nasabi ko. Eh, mag eeleksyon pa naman tapos ganyan?! Black out?! at ang shocking pa nito ay tatagal daw ang black out hanggang July, eto daw ay sa buong Mindanao. God bless, Mindanao!
Sana naman ay magkaliwanag na ang kabahayan sa Mindanao o sa ano man lugar sa Pinas ngayon. Hindi ito nakakatuwang balita ha... nakakayamot at nakakapag init ng ulo. Pero kung ano pa man dahilan meron ang kinauukulan ay sana wala maaksidente, masaktan, mamatay at kung ano pa trahedya na posibleng mangyari... Wag naman po sana.
God bless Philippines.
Friday, March 5, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)