Wednesday, February 24, 2010
Grounded :-(
Nakakatuwa man pero totoo, na ngayon ako'y isa ng ina at nasa hustong gulang ay nakakaranas pa din ako ng parusa hehehe. Ang akala ko ang salitang "grounded" ay para lang sa mga teenagers na pasaway sa magulang dahil naging isa rin ako sa mga pasaway noong kapanahunan ko hahaha.
Haayyysss... nakakatuwa na nakakainis pero kelangan ko talaga ma experience ito kase kasalanan ko naman. Teka... ano nga ba kasalanan ko? Bakit ako na "grounded"? at kanino ako nagkasala? Well... ganito kase un..
Etong January at February, panay ang aking gala at gastos. Halos sunud sunod na linggo eh may gimik ako hehehe Isipin nyo na lang 7-8 months gumagala sa labas hehehe. Nakakainip naman kase matambay sa bahay, wala na ako magawa kundi tumunganga sa laptop at mag internet o di kaya maglaro ng games sa Facebook. In short, boring na at nakakasawa! Di na ako na eexcite sa panonood ng TV kahit may cable at satellite TV pa yan, kahit madami pa kami bala ng DVD dito. Sus! Kabisado ko na title ng movie at program sa TV, ano!
3 weeks ago, todo2 gastos ko hanggang sa matira na lang sa ATM ko ay 13K baht... sobrang mahal naman kase ng mga pinagbibili ko at branded pa. Sobra kase ako natuwa sa mga nakita ko gamit at damit ng baby sa Emporium Mall. Di ko naisip nun mga oras na un, na may kamahalan ang halaga ng gwantes sa presyo nyang 95-100 baht ang isang pares. At un cute na sapatos yari lang sa tela eh nagkakahalaga ng 385 baht, cuper ganda bagay na bagay sa baby namin cgurado... Tsaka na lang ako nahimasmasan after a week na mag audit na ako ng aking mga nagastos. Mas mahal pa un shoes ng baby kesa sa aking damit at sapatos. "Yari ako sa aking asawa nito", un ang naisip ko agad.
Hanggang sa magtanong sya sa akin kung magkano na ang laman ng ATM ko para malagyan nya ulet ng pera dahil sweldo nya nun magtanong sya. Hindi agad ako nakasagot at sobra akong kinabahan. Last month kase nagdeposit na sya sa ATM ko ng 11,000 baht. Pero wala ako magawa kundi sabihin sa kanya ang totoo. Nagulat sya at napakamot ng ulo. Ngayon kelangan nya magdeposit ng 20,000 baht. Bigla sya nanahimik saglit at nag isip ng malalim.
Naiintindihan ko sya at alam kong kasalanan ko naman talaga kaya tahimik na lang din ako. Isa pa kahit naman di ko kasalanan eh di ko ugali ang magbunganga or mag ingay pa, tatahimik na lang din ako. Alam ko na masama loob nya kaya di ko muna sya kinausap at hinayaan ko sya. Nagpaalam sya na lumabas at pupunta daw sa kaibigan nya. Ibig sabihin lang non makikipag inuman sya dahil may restaurant/bar un kaibigan na tinutukoy nya. Okey lang kase kasalanan ko naman. So... grounded un na nga kalagayan ko hanggang ngayon...
Di ko magalaw un ATM kase wala pa go signal mula sa kanya na pwede ko ulet gamitin. Naisip ko naman na wala naman ako masyado kelangan bilhin dahil nabili ko na un mga damit ng baby at ilan sa mga gamit nya. Kung sa pagkain naman eh, wala naman din problem dahil bubuksan ko lang ang refrigerator at madami naman ako pwede makain. At sabi naman nya bibili kami ng stroller, crib at iba pang gamit ng baby na kulang sa katapusan kaya di na ako nag alala.
Makalipas ang dalawang araw, mula ng araw ma badtrip sya sa pagiging gastador ko, hehehe napatawad na nya ako pero grounded pa din kase wala pa din sya sinasabi na pwede ko na galawin un pera sa ATM ko hahaha. Alam ko di na sya galit kaso gusto nya lang ako madisiplina sa pera at naintindihan ko sya. Ngayon, araw araw kami halos lumalabas para bumili ng gusto ko kainin or gamit na kelangan ko para lang wag ko ma withdraw un pera sa ATM. Malapit lang naman ang supermarket at mall dito sa lugar namin, pwedeng pwede lakarin.
Grounded na kung grounded kasalanan ko naman at ang mahalaga eh di naman ako talaga masyado naparusahan ng husto kase lahat naman ng kelangan ko sa araw araw ay nakukuha ko or binibigay naman sa akin maliban sa luho (un bang mga bagay na over sa pagkamahal pwede naman mura or reasonable price lang). Madami mga magagandang items dito sa Bangkok na maganda ang style pero di naman kasing mahal ng mga may tatak or branded. Pero iba pa din syempre kapag may tatak hehehe.
Nakakahiya pero totoo. Napagtawanan na nga ako ng mga kaibigan ko kase para daw akong bata... grounded!!! hahahaha tawanan ko na lang sarili ko kase pasaway ako :D
Subscribe to:
Posts (Atom)